Friendzoned: MALISYA o MALI-SYA?

Photo by: Google Images

Photo by: Google Images

Kaibigan? Ano nga ba ang kaibigan?

Magkakaiba na nga siguro ang mga tao ngayon sa definition ng ‘kaibigan’. At ang pagkakaiba ay mapupuna mo sa pronunciation at actuation habang binibigkas ito. Napapaisip ka na nu?

Let’s experiment.

Step 1: Think of someone you’re honestly, really just friends with. Yung platonic. Talagang talagang talaga na friend lang ang turing mo. As in 0% malisya na kahit mag-zombie apocalypse ay di mo kaya pakasalan siya kahit kayo na lang ang tao sa mundo. Meron ka nang naisip? Kung oo, look at yourself in the mirror and say: “(insert name here) and I are just friends.”

Observe. Record data.

Analyze data. Make a hypothesis.
Step 2: Think of someone you’re ‘honestly’, ‘kinda’ just ‘special friends with’. Yung hindi platonic. As in may at least 10% malisya at tipong gusto mong mag-zombie apocalypse at kayo lang ang matitira para siguradong kayo na. Meron ka nang naisip? Nakangiti ka na? Namumula na ba cheeks mo? Now, look at the mirror and say:”(insert name here) and I are just friends.”

Observe. Record data. Compare data from step 1 & 2. Make a conclusion.

Di ba malaki ang pagkakaiba? Kahit pigilan mo, lalabas ang dimples mo, magniningning ang mata mo, pipintig ang sintido mo, maninigas ang panga mo dahil sa kakapigil mo ngumiti at magkukulay mangosteen ka kapag ginawa mo ang step 2. Kung sanay ka naman sa showbiz answer na ito, di mo maikakailang bumilis ang tibok ng puso mo nung sinabi mo ang pangalan niya. At kung babae ka, may mental image ka na parang hango sa background video ng videoke kung saan naghahabulan kayo, nagbabasaan, o nakahiga siya sa iyong lap habang binabasahan mo siya ng libro.

Kung sino ang may malisya, mali siya! Kaya nga “mali” sya eh. Kasi MALI. Dapat ang pag-iibigan ay mag-uugat sa pagkakaibigan. Pero huwag naman na kakaibiganin mo lang dahil nga target mo na. Hindi magandang pundasyon ng relasyon ang atraksyon. Lalo na kung pisikal. Kaya lang pala kinaibigan kasi naibigan. Kaya mag-isip ka kung may potential yung friend mo o kung friend mo kasi may potential.

Pero kung huli na nga ang lahat at tingin mo talaga ay may panganib na ma-friendzone ka dahil may amats ka na talaga sa ‘friend’ mo…Aba tanungin mo na yang sarili mo. Kaibig-ibig ba ako o kabig nang kabig? Huwag kang assuming at feeling close. Baka naman kaka-kabig mo, pinagbibigyan ka lang pala dahil nga kaibigan ka. Pero sa totoo lang, wala ka palang pag-asa. Ikaw din ang luluha. Sakit diba?

Ang mali kasi sa atin ngayon, kung kanino may intensyon, siya lang ang binibigyan ng atensyon. At yan ang pinagmumulan ng tensyon. Kaya ang solusyon, proper appropriation. Huwag paikutin ang mundo sa isang tao. Kahit special friend siya, marami naman diyang regular friends di ba? At isa ang sigurado. Pagdating sa friends, mas matibay ang mga regular sa special.

 

Remember this: Ang mundo ay umiikot dahil sa laws of space. At magsisimula ang pagguho ng mundo mo sa loss of space. Dahil nga umiikot na ang mundo mo sa kanya, ibinigay mo na rin sa kanya ang karapatang saktan ka, pahirapan, paasahin, tapak-tapakan, durugin at pulbusin. Ang hard diba?

 

Remember this: Ang regalong hindi ginusto, hindi huhusto. Kaya kahit ialay mo ang sarili sa kanya, kulang pa din. Kasi nga di naman niya hiningi na magpakamartyr ka. Hindi mo kailangan magpakabayani dahil ayaw niya maging mananakop ng puso mo. Mahalin ang sarili. Sabi sa Bibliya, “Love your neighbor as you love yourself.” (Mark 12:31). Ibig sabihin, ang limit ng pagmamahal na dapat mo ibigay ay yung pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung wala kang respeto sa sarili mo, paano ka niya rerespetuhin e pumapayag ka naman na saktan ka, pahirapan, paasahin, tapak-tapakan, durugin at pulbusin. Kung magkaibigan PA LANG kayo, tandaan mong MAGKAIBIGAN LANG kayo! (capslock para intense!) Ibig sabihin, di pa kayo. Hinay hinay lang. Wag bibigay. At lalong higit, huwag kang magseselos kapag sa kanya’y may naugnay. Kailangan niyo pareho ng space. Kapag may loss of space, siguradong may friction. (O yan ha. Libreng physics review.) Kasi isinisiksik mo ang sarili mo sa kanya kahit di naman niya hinihingi. Kung di ka niya type, friction will cause heat. Iinit ang ulo niya sa iyo. Magsasawa kakatext, kakatawag, kakapost sa fb, twitter, at tumblr, at sa pakikialam mo sa buhay niya. Kung type ka naman niya, mamamagnetize niyo ang isa’t isa nang sobra sobra at masasanay kayo na laging magkasama. Kahit nakakakilig yan sa umpisa, hindi pa rin healthy in the long run. Instead kasi of depending on each other which is magtutulungan kayo at kakailanganin niyo ang isa’t isa for better improvement ay magiging dependent on each other kayo na parang di mo na kayang gumalaw ng wala siya kasi masyado ka nang naka-rely sa kanya. May difference diba? MALAKI ang pagkakaiba!

May mga kilala akong magkaibigan na nagka-ibigan at nagkatuluyan. Pero mas marami akong kilalang may kinaibigan dahil naibigan kaya ang ending ay kabiguan.

 

So I therefore conclude that you need to:

Check your motive. Isipin mong maigi. Gusto mo ba siya o gusto mo lang talaga ng love life?

Check your modus. Nagpanggap ka bang friend sa pagbabaka-sakaling mahulog siya sa iyo?

Check your mate. May pag-asa ka ba o polite lang siya?

 

Babala: Huwag mo lokohin ang sarili mo. Sa totoo lang, ang pinakamadaling kumbinsihin, lokohin, at utuin ay ang sarili natin.

 

Your sweetest Melody, ❤

Advertisements

True Friends are hard to find

Photo by: Google Images

Photo by: Google Images

To my dearest Peachee and Lychee,

Ang hirap talaga maghanap ng totoo at tapat na kaibigan noh? Tss. Buti na lang nakilala ko ang dalawa sa pinaka-CUTE at MAGANDA na likha ng Panginoon. Salamat po Lord ‘coz I’ve got not just one but two. 🙂 I’ve met a lot of people pero kayo yung kakaiba.

(Flashback) June 2008 nung tayo ay naging magkaklase sa kolehiyo. Syempre di pa tayo mga close nun. Hahaha.

Photo by: Author

Photo by: Author

 Una ko nakilala si Sarah Jane Ruiz (a.k.a Shane-Peachee). Seatmate kasi kami sa Algebra. Hingian ko siya ng papel kasi tamad ako bumili ng sakin. 😀 Iba yung circle of friends ko from 1st to 2nd year then dumating ang 3rd year. Nalagas ang BAS 3-1. Nawala yung circle of friends ko. (Nagpapasalamat ako sa Lord dahil siya yung ginamit para muli kong makilala sa ating Diyos.) Si Shane? Alam ko lang kasi sa kanya “cute siya” katulad ko. Anyway, si Shane ang pinakamalambing na nakilala ko maliban sa nanay at kapatid kong bunsong babae. Hehehe. “Girl scout” ko din siya kung ituring kasi she’s always ready sa kahit anong bagay. Siya yung taong mabilis pakisamahan, mahilig manood ng mga nakakakilig na movies (sorry sa pag-reveal ko nyan! HAHAHA! Isa lang naman yan Peachee!) at napakabait. Wala akong masabi sa character ng babaeng ito. God is now using her abilities/skills/talents to minister people and all I can say is that she  is not just an ordinary friend, she’s a gift and a blessing to me!

Photo by: Author

Photo by: Author

At dahil nga po sa likas akong madaldal naging kasa-kasama na ako nila Shane at doon ko lubos na nakilala si Cecille Mazon (a.k.a Ces-Lychee). Ang babaeng tahimik at antukin! Walang makakabreak ng title niya! Pramis! Hahaha. Sakanya ako madalas magtanong kung paano i-solve yung assignments namin sa Non-parametric, Multivar at marami pang out of this world na subjects ng Statistics students. Si Ces ay isang maganda, marikit at mayumi. Pero siya yung babaeng walang arte sa katawan, super down to earth at napakamapagpatawad. At lahat na ata ng embarrassing moment nya alam ko. (HAHAHA! Totoo ba Ces?). Artistahin ‘to kaya mapalad ako na isa ako sa mga naging bestfriend niya. Never ko pa ‘tong nakikitang nagalit. Waepek yung ginagawa kong pang-iinis eh. (Hahaha! Kidding Kidding!)

As time goes by, hindi namin napapansin na super close na pala kaming tatlo lalo na when God decided na magkasama-sama na kami sa isang church. Kulang na lang magkapalit-palit ang mga mukha namin, height lang hindi kasi pantay-pantay lang. HAHAHA!

I knew from the start that there was something special about the two of you. You touched my life and wouldn’t let go. You’ve made me feel like a better person, able to take the world and to know our Lord and Savior. We were destined to become friends, and I’m grateful for whatever brought us together. (Owww! English yan tas yung susunod ganun din. Be ready! Haaaaha!)

You’re my dearest friends, the person I always turn to with my heart and soul. You’re always there for me, ready to offer an ear to listen, a shoulder to cry on, a hand to hold or a heart to feel and to be there besides you through good and bad times. You will be my light and warmth when the roads get rough.

I hope you know that I will always be there to listen you both, to make you sermons and may halong galit factor. :*  I will always be there to laugh, to cry and help you in all the ways I possibly can. Through tears and smiles, laughter and heartaches (ouch! Alam nyo yan!), you’ve been a part of my life. You supported me when I was in tears and even when I’m happy. I’ve never needed anyone (parang kanta?) so much in my whole entire life as much as I need you now and our Lord.

Sorry kung minsan nagagalit ako sainyo. Hehehe. (Alam nyo naman. Hmmm!) Nobody will ever find another person more special than the two of you. Everyday it just grows stronger and stronger. You two are worth more than a real gold, you are worth more than a real diamond and you are worth more than true love. Ayiiie! I treasure your soul like no other. Thanks God You gave these TWO. ❤

* I love the way that I can smile at my BESTFRIENDS and they will know exactly what I’m thinking. (HAHAHA!)

Love lots,

Your Potchee. :*

❤❤❤

 

Sisters in Christ

Sisters in Christ

553560_659231094088203_1426251601_n

My Powerpuff Best Friends

 

More than friends.

More than friends.

Your sweetest Melody, ❤