The Mission

spread_love

 

Okay naman ako noon. Normal na kabataang namulat sa magulong mundo. Kakain, matutulog, gigising, papasok sa school, magre-review sa jeep, gagawa ng assignment sa school, gagala, uuwi ng hating-gabi. Kakain, matutulog ulit at gigising. Di ko alam kung ano na naman ang mangyayari sa isang buong araw ko. Sunod sa agos lang ang buhay ko noon. Sunod sa uso ng pananamit maging pananalita. Paulit-ulit ganito lang ang ikot ng mundo ko. Nakakasawa. Nakakapagod. Parang may kulang. Di ko maramdaman yung tinatawag na “PAG-IBIG”. Asan ba yun??? Sa labas ba ng bahay kasi doon ka lang masaya pagkasama yung mga kaibigan mo? Pag-uwi ng bahay emo-emo ka na naman.

Lahat ng ito nagbago. Lahat ng ito nag-iba  nung muli kong matagpuan ang LIWANAG na matagal kong iniwanan at pinatay sa aking puso. Muli kong nakita ang ganda ng buhay at naramdaman yung PAG-IBIG na wala sa mundong ito.

Napakalaki ng nagawa kong pagkakamali. Napakadumi ko. Napakamakasalanan ko. Pero merong nasa taas na kailanman hindi ako iniwan, hindi ako pinabayaan. Tinanggap ako ng buong puso, pinatawad at patuloy na minamahal.

Muling nagkaroon ng kahulugan ang aking buhay. Nagkaroon ng rason at saysay ang bawat araw dahil muli kong nalaman na may misyon tayo kung bakit nabubuhay.

Sa muling paggising, puno ang aking puso ng kagalakan, kaligayahan at kapayapaan dahil alam kong ang buong araw ko ay magiging makabuluhan. Tuwing gumigising ng umaga, isang panibagong pag-asa. Isang dakilang himalang kaloob sa atin ng Panginoon. Bagong hininga, bagong biyaya. Lahat ito galing sa Kanya.

Ayoko nang muling mawalay pa sa ating Panginoon. Ayoko nang bumalik pa sa luma kong buhay na kung saan puro sakit, kasalanan, kabigatan, galit, poot at kalungkutan.

“Then Jesus said, “Come to me, all of you who are weary and carry heavy burdens, and I will give you rest.” Matthew 11:28

Ako’y nabuhay ng 22 taon at patuloy na mabubuhay upang ipalaganap ang PAG-IBIG ng ating Panginoong Hesus. I am called to spread the love of God. Ipalaganap ang PAG-IBIG ng Panginoon by actions not words.

Greater love has no one than this: to lay down one’s life for one’s friends. – John 15:13

By living out the true Christian life, people can see what Christianity is all about. People can see how God works in my life and how He changed me. It is through actions, not words, that I can spread God’s love.

In whatever we do, let us do it for the love of God. Salamat po Panginoon. Kayo ang unang nagmahal sa akin.

Shalom 🙂

 

Your sweetest Melody, ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s