Kapag umuulan ☂

Uwian na. Ako na lang ba yung nasa office? Ay hindi, may kasama pa pala ako. Pero good thing at least makakapagsulat ako nang tahimik habang umuulan sa labas. Ayoko pa rin namang umuwi dahil ang lakas pa ng buhos.

Kaya, eto, nagmumuni-muni na lang ako rito sa opisina. Napakasarap sa pakiramdam tuwing umuulan. Nakaka-relax at nakakaantok. Pero bigla kong naisip na may blog pa pala akong tatapusin. Sakto! Tungkol sa ulan itong gagawin ko! May inspirasyon na.

Nauuso ang mga hashtagHUGOT ngayon sa mga kabataan kaya kahit pala pag-ibig pwedeng ihalintulad sa ulan. (Hashtag KILIG) Yikes. Kinikilabutan ako sa sinasabi ko. HAHAHA. Well, ganito talaga nagagawa ng  pag-iisa at ng ulan sa isang tao. Nakakabaliw! Hahaha.

So ibabahagi ko na lang sa inyo yung mga paghahambing na naisip ko. Pero bago ka mag-umpisa, i-play mo muna yung Ironic ni Alanis Morissette para feel na feel mo yung pagbabasa.

  1. Minsan ang ulan di mo alam kung kelan bubuhos. Magugulat ka na lang na pagsilip mo sa bintana nandyan na pala. Parang pag na-inlove ka di ba di mo naman siya ka-close, ni-di mo nga siya kakilala totally. Pero dumating na lang bigla at, BOOM! nahulog na yung loob mo sa kanya.

2. Meron namang ulan na may kasamang hangin. Yung sobrang bilis at lakas ng dating. Ambilis niyang dumating at sobrang lakas ng tama mo sa kanya. Pero kung anong ibinilis ng dating niya, ganun din kabilis naglaho. Ang laki pa ng pinsalang iniwan. Parang super typhoon Yolanda lang.

3. Minsan din naman may ulan na pabugsu-bugso. Minsan gusto mo siya, minsan hindi. Pag andyan siya, parang wala lang, pero pag wala na, biglang nami-miss mo. Tapos nung magkahiwalay na kayo, nalimutan mo rin, pero nung nagkita ulit kayo, parang meron pang natitirang damdamin para sa kanya.

4. Meron ding pag-ibig na parang ambon lang. Yung hindi mo maibuhos nang todo dahil hindi ka pa handa o hindi mo alam kung siya na ba talaga. Parang yung isa kong kakilala. Di niya alam kung ano yung nais iparating sa kanya nung kaibigan niya kaya patak-patak lang din yung binigay niya noon, hanggang sa di na nagtuloy sa ulan. Ayun, umaraw na. Pero at the end magkaibigan pa rin naman sila.

5. May ulan ding walang tigil. Parang yung pag-ibig na sobra-sobra, na lahat ibinibigay at lahat ibinubuhos. Pero sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama. Ang nangyari, sa sobrang ulan, bumaha. Nakakalunod na, nakakasakal. Possessive ba. Hindi rin nagtagal, tumila yung ulan. Sa mga pelikula at nobela, nakita ko na ito. Buti na lang di ko pa nararanasang malunod sa ulan.

6. At syempre, yung ulan na sakto lang. Yung hindi malakas at di rin naman ambon. May konting hangin pero hindi delubyo. Eto yung ulan na kapag dumating, alam mong dapat kang lumusong at maligo. Para itong pag-ibig na hindi nakakalunod at hindi nakakasawa. Well, hindi ko pa siya nararanasan. Pero oras na matyempuhan ko yung ulan na to, walang duda, lulusong ako at magpapakabasa.

Ayun, tama na yan! Mag-comment na lang kayo kung may idadagdag pa kayo. Hanggang diyan na lang. Tumila na yata yung ulan. Pwede na kong umalis. Tatantanan ko na yung pagiging cheesy at nakakakilabot talaga. Di bagay sa akin. Mas okay pa kung tititigan mo na lang tong Love fusion Light and Rain painting ni Kshiteej Chapagain. Binebenta po yan baka sakaling gusto niyong umorder. (Hindi ko po siya kilala. Nakita ko lang ‘to sa net.)

 – Salamat Jaquelyn E. Alvarez sa pagpu-push para matapos ‘to. 🙂 Kiligs! :*

Your sweetest Melody, ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s