Friendzoned: MALISYA o MALI-SYA?

Photo by: Google Images

Photo by: Google Images

Kaibigan? Ano nga ba ang kaibigan?

Magkakaiba na nga siguro ang mga tao ngayon sa definition ng ‘kaibigan’. At ang pagkakaiba ay mapupuna mo sa pronunciation at actuation habang binibigkas ito. Napapaisip ka na nu?

Let’s experiment.

Step 1: Think of someone you’re honestly, really just friends with. Yung platonic. Talagang talagang talaga na friend lang ang turing mo. As in 0% malisya na kahit mag-zombie apocalypse ay di mo kaya pakasalan siya kahit kayo na lang ang tao sa mundo. Meron ka nang naisip? Kung oo, look at yourself in the mirror and say: “(insert name here) and I are just friends.”

Observe. Record data.

Analyze data. Make a hypothesis.
Step 2: Think of someone you’re ‘honestly’, ‘kinda’ just ‘special friends with’. Yung hindi platonic. As in may at least 10% malisya at tipong gusto mong mag-zombie apocalypse at kayo lang ang matitira para siguradong kayo na. Meron ka nang naisip? Nakangiti ka na? Namumula na ba cheeks mo? Now, look at the mirror and say:”(insert name here) and I are just friends.”

Observe. Record data. Compare data from step 1 & 2. Make a conclusion.

Di ba malaki ang pagkakaiba? Kahit pigilan mo, lalabas ang dimples mo, magniningning ang mata mo, pipintig ang sintido mo, maninigas ang panga mo dahil sa kakapigil mo ngumiti at magkukulay mangosteen ka kapag ginawa mo ang step 2. Kung sanay ka naman sa showbiz answer na ito, di mo maikakailang bumilis ang tibok ng puso mo nung sinabi mo ang pangalan niya. At kung babae ka, may mental image ka na parang hango sa background video ng videoke kung saan naghahabulan kayo, nagbabasaan, o nakahiga siya sa iyong lap habang binabasahan mo siya ng libro.

Kung sino ang may malisya, mali siya! Kaya nga “mali” sya eh. Kasi MALI. Dapat ang pag-iibigan ay mag-uugat sa pagkakaibigan. Pero huwag naman na kakaibiganin mo lang dahil nga target mo na. Hindi magandang pundasyon ng relasyon ang atraksyon. Lalo na kung pisikal. Kaya lang pala kinaibigan kasi naibigan. Kaya mag-isip ka kung may potential yung friend mo o kung friend mo kasi may potential.

Pero kung huli na nga ang lahat at tingin mo talaga ay may panganib na ma-friendzone ka dahil may amats ka na talaga sa ‘friend’ mo…Aba tanungin mo na yang sarili mo. Kaibig-ibig ba ako o kabig nang kabig? Huwag kang assuming at feeling close. Baka naman kaka-kabig mo, pinagbibigyan ka lang pala dahil nga kaibigan ka. Pero sa totoo lang, wala ka palang pag-asa. Ikaw din ang luluha. Sakit diba?

Ang mali kasi sa atin ngayon, kung kanino may intensyon, siya lang ang binibigyan ng atensyon. At yan ang pinagmumulan ng tensyon. Kaya ang solusyon, proper appropriation. Huwag paikutin ang mundo sa isang tao. Kahit special friend siya, marami naman diyang regular friends di ba? At isa ang sigurado. Pagdating sa friends, mas matibay ang mga regular sa special.

 

Remember this: Ang mundo ay umiikot dahil sa laws of space. At magsisimula ang pagguho ng mundo mo sa loss of space. Dahil nga umiikot na ang mundo mo sa kanya, ibinigay mo na rin sa kanya ang karapatang saktan ka, pahirapan, paasahin, tapak-tapakan, durugin at pulbusin. Ang hard diba?

 

Remember this: Ang regalong hindi ginusto, hindi huhusto. Kaya kahit ialay mo ang sarili sa kanya, kulang pa din. Kasi nga di naman niya hiningi na magpakamartyr ka. Hindi mo kailangan magpakabayani dahil ayaw niya maging mananakop ng puso mo. Mahalin ang sarili. Sabi sa Bibliya, “Love your neighbor as you love yourself.” (Mark 12:31). Ibig sabihin, ang limit ng pagmamahal na dapat mo ibigay ay yung pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung wala kang respeto sa sarili mo, paano ka niya rerespetuhin e pumapayag ka naman na saktan ka, pahirapan, paasahin, tapak-tapakan, durugin at pulbusin. Kung magkaibigan PA LANG kayo, tandaan mong MAGKAIBIGAN LANG kayo! (capslock para intense!) Ibig sabihin, di pa kayo. Hinay hinay lang. Wag bibigay. At lalong higit, huwag kang magseselos kapag sa kanya’y may naugnay. Kailangan niyo pareho ng space. Kapag may loss of space, siguradong may friction. (O yan ha. Libreng physics review.) Kasi isinisiksik mo ang sarili mo sa kanya kahit di naman niya hinihingi. Kung di ka niya type, friction will cause heat. Iinit ang ulo niya sa iyo. Magsasawa kakatext, kakatawag, kakapost sa fb, twitter, at tumblr, at sa pakikialam mo sa buhay niya. Kung type ka naman niya, mamamagnetize niyo ang isa’t isa nang sobra sobra at masasanay kayo na laging magkasama. Kahit nakakakilig yan sa umpisa, hindi pa rin healthy in the long run. Instead kasi of depending on each other which is magtutulungan kayo at kakailanganin niyo ang isa’t isa for better improvement ay magiging dependent on each other kayo na parang di mo na kayang gumalaw ng wala siya kasi masyado ka nang naka-rely sa kanya. May difference diba? MALAKI ang pagkakaiba!

May mga kilala akong magkaibigan na nagka-ibigan at nagkatuluyan. Pero mas marami akong kilalang may kinaibigan dahil naibigan kaya ang ending ay kabiguan.

 

So I therefore conclude that you need to:

Check your motive. Isipin mong maigi. Gusto mo ba siya o gusto mo lang talaga ng love life?

Check your modus. Nagpanggap ka bang friend sa pagbabaka-sakaling mahulog siya sa iyo?

Check your mate. May pag-asa ka ba o polite lang siya?

 

Babala: Huwag mo lokohin ang sarili mo. Sa totoo lang, ang pinakamadaling kumbinsihin, lokohin, at utuin ay ang sarili natin.

 

Your sweetest Melody, ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s